Nagising ako ng alas 7am sa ingay ng speaker at mga batang may programa sa isang malapit na school. Nairita ako nung una kasi alas 3 na ng umaga ako natulog sa kasusulat. Maya-maya, nagsalita ang teacher tungkol sa kalusugan. Naging interesado ako nang marinig ko ang sabi ng teacher: Ang kalusugan ay hindi lang ang kawalaan ng sakit. Tapos, binanggit niya ang depinisyon ng World Health Organization ng kalusugan: ang kalagayan ng kompletong pisikal, mental, at sosyal na pagiging magaling. Iiesplika ko ngayon kung gaanong karupok and Tatsulok ng Kalusugan na ito. 
Ang pagbanggit sa mga salitang sosyal na malusog ang nagtulak sa akin na magisip: ‘kung ang isang tao ay hindi pwedeng maging sosyal na malusog dahil nakatira siya sa isang negatibong paligid, susunod na hindi din magiging malusog ang isip niya. Kung hindi ngayon pwedeng maging malusog ang mentalidad niya, hindi rin magiging malusog ang katawan niya’!
Ganon pala pwedeng maging karupok ang pisikal na kalusugan. Para bang sinansabing ‘Pag masakit ang paa ko, damay ang buong katawan ko’, na syempre ay katotohanan.
Ang suma: Ang pagtira sa isang matahimik na paligid ay NAPAKAIMPORTANTE. Na malas, hindi sa kaso ko. Pwede ko ngang sabihin na nakatira ako sa pugad ng mga ahas. 
Sa compound namin, merong magnanakaw na paulit-ulit. At siya ay siguradong isang malapit na kaibigan o isang kamag-anak. Paisa-isa lang ang ninanakaw niya; hindi lahat ng pwede niyang damputin.
Paano kung mahuli ko siya at magkagulo? May hypertension ang nanay ko.
Pwede siyang ma-stroke at mamatay. Gantihan ang susunod (kahit hindi ako ang mag-umpisa) na magiging gera pamilya na. Dahil lang sa isang magnanakaw sa isang negatibong paligid. -pochp 11/ 23/ 09
Recent Comments